ARESTADO | 4 na hinihinalang tulak sa iligal na droga, timbog sa isinagawang buy-bust operation sa QC

745

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Ermita Police Station Police Station 5 ng MPD ang apat na hinihinalaang pusher matapos na magsagawa ng buybust operation sa harapan ng Ministop Shell Loyola Heights Q.C.

Nakilala ang mga suspek na sina Daniel Concepcion, Richard Martinez, Michael Villasanta at Rakesh Bhogwani.

Ayon kay P/Supt. Igmedio B. Bernaldez, Station Commander, ng police station 5 ng MPD nakipag ugnayan sila sa mga tauhan ng police station 9 ng QCPD sa ilalim ng supervision ni P/Supt. Cifriano Galanida, ng magsagawa ng buy-bust operation sa harapan ng Ministop Shell Loyola Heights sa kahabaan ng katipunan ave. q.c na nagresulta ng pagkakaaresto mg nabanggit na mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang transparent plastic na may lamang cocaine, mga tableta ng iligal na droga 3 SUV vehicles; gaya ng 1nissan Patrol, 1 Subaru Wrx, 1 Toyota Vios at buy-bust money.

Paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments