TIMBOG! | ONLINE GAMBLING | Mahigit 100 katao kabilang ang 87 Chinese national, arestado sa sa Pasig City

33

Pasig – Umaabot sa 103 katao kabilang ang 87 Chinese national ang inaresto ng mga operatiba ng regional special operation unit ng Pasig Police Station dahil sa illegal online gambling sa Pasig City.

Napag alaman na matagal ng minamanmanan ng pulisya ang modus ng mga Chinese national sa bahagi ng Pasig city at nang makumpirma agad na sinalakay ang kanilang hideout.


Paglabag sa RA10175- cybercrime prevention act of 2012 in relation to pd1002 as amended by RA9287-illegal gambling ang kasong isinampa ni Pasig city assistance prosecutors Rommel U. Pereyra laban sa 87 chinese national at 16 na mga Pinoy na nagsusugal sa online.

Seryoso ang EPD sa kanilang kampanya laban sa anumang uri ng sugal kayat binalaan ang lahat ng mga gumagawa ng iligal na aktibidades na tigilan na nila ang kanilang gawain dahil mayroon umano silang paglalagyan.

Facebook Comments

From Advertisers