ARESTADO | 5 Chinese na sangkot sa kidnap for ransom, timbog!

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkaka-aresto sa limang Chinese nationals na pinaniniwalaang mga miyembro ng kidnap for ransom syndicate na bumibiktima sa kanilang mga kapwa-Chinese na turista sa bansa.

Kinilala ang mga naarestong Chinese na sina Wang Rui, Li Ming, Ju Wenping, Liu Ming at Li Sanjiu.

Ang mga suspek ay positibong itinuro ng kanilang dinukot na biktima.


Nabatid na ang limang Chinese ay kailan lamang dumating ng Pilipinas bilang mga turista.

Sila ay nasa kustodiya na ngayon ng PNP-Anti Kidnapping Group.

Facebook Comments