NBA | Warriors, pinabagsak ang Atlanta Hawks, 128-111

Isang balanseng opensa ang ipinamalas ng defending champion Golden State Warriors para makuha ang road win kontra sa Atlanta Hawks, 128-111 sa NBA.

Umiskor ng 30 points si Stephen Curry habang may 28 naman si Kevin Durant. Hindi rin nagpahuli si Klay Thompson na nag-ambag naman ng 27 points para sa Warriors.

May team high 24 markers si John Collins habang umiskor naman ng 20 points si Trae Young para sa Atlanta.


Sa ibang laro, naungusan naman ng Washington Wizards ang New York Knicks, 110-107.

Bumangon naman sa 19-point deficit ang Minnesota Timberwolves para talunin ang Houston Rockets, 103-91.

Habang sa Chicago, sinibak na bilang head coach si Fred Hoiberg matapos ang malamyang 5 wins-19 losses na record ng Bulls sa bagong season.

Facebook Comments