ARESTADO | 5 iligal recruiter inaresto ng PNP-CIDG

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group Anti-Trans National Crime Unit (CIDG-ATCU) ang limang mga illegal recruiter sa kanilang isinagawang magkakahiwalay na entrapment operation sa Bacoor City at Quezon City.

Ayon kay CIDG-ATCU Director Police Superintendent Roque Merdeguia, unang nadakip sa entrapment operation sina Lio Eireen Labrador, Alexis Gleen, Emas Lorybel Nismal at Rachelle Nisperos.

Pasado alas 12 ng tanghali kanina naaresto ang mga ito sa Bacoor City makaraang tanggapin ang 50,000 pesos boodle money mula sa mga complainants na pinangakuan ng trabaho sa Japan bilang magsasaka at welder.


Modus ng grupo ang Nihonggo Language Tutorial kung saan hinihikayat nila ang mga biktima na mag enroll sa kanilang eskwelahan at may pangakong trabaho sa Japan.

Samantala, kaninang pasado ala-1:00 ng hapon nadakip ng mga tauhan ng PNP CIDG ATCU ang isang babaeng suspek sa illegal recruiter.

Kinilala itong si Lanie Barroga Ventura, tubong Pangasinan.

Naaresto ito makaraang tanggapin ang 35 libong piso marked money mula sa complainant na pinangakuan niya ng trabaho sa New Zealand at Macau.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kasong illegal recruitment at estafa ang mga nadakip na suspek.

Facebook Comments