ARESTADO | 69 illegal aliens, naaresto ng BI

45 Chinese nationals at 24 Koreans na ilegal na nagta-trabaho sa bansa ang naaresto ng joint task force ng Bureau of Immigration (BI) at Clark Development Corporation.

Ang naturang mga dayuhan ay naaresto ng joint task sa Dongwang Clark Corporation at Clark Sunvalley Country Club.

Unang inimbitahan ng BI ang 93 foreign nationals para sa kaukulang beripikasyon sa kanilang travel documents matapos makatanggap ng report na may mga dayuhang may tourist visa ang nagta-trabaho sa lugar.


Sa kabuuang 93 foreign nationals na inimbitahan ng BI, 69 sa mga ito ang sinampahan ng paglabag sa Section 37 (A)7 ng Philippine Immigration Act.

Pinakawalan naman ang iba pang 24 Koreans matapos magpakita ng balidong working permits.

Ang 69 foreign nationals ay nakatakdang ipa-deport ng BI.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments