BUMULAGA | Trash bag na may lamang katawan ng tao, natagpuan sa QC

Quezon City – Isang trash bag na may lamang katawan ng tao ang natagpuan sa CP Garcia road sa Quezon City sa tapat ng opisina ng Phivolcs.

Binalutan ng packing tape ang katawan ng biktima na pinaniniwalaang sinadyang pinatay at itinapon sa lugar.

Miyekules pa ng gabi nang napansin guwardiya ng UP Campus ang kakaibang garbage bag.


Kaninang umaga nang dumating ang truck ng basura at aktong hahakutin na ang garbage bag ay bumulaga ang katawan ng tao.

Kinordon na ng SOCO ang lugar para iproseso ang bangkay.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments