ARESTADO | Aktor na si Julio Diaz, huli sa buy busy operation sa Bulacan

Bulacan – Naaresto ng mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office ang aktor na si Mariano De Leon alyas Julio Diaz habang nagpa-pot session sa kanyang bahay sa Bulacan.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Director Senior Superintendent Romeo Caramat alas 12:40 ng madaling araw kanina nang pasukin ng mga operatiba ang bahay ng aktor sa Barangay Langka City Meycauayan Bulacan.

Si Julio Diaz ay 59 anyos at High Value Target ng Bulacan Police Provincial Office.


Bukod kay Julio Diaz naaresto rin ang isang Ronald Gomez alyas Robin 35 anyos.

Sinabi ni Caramat na na-monitor na nila ang ginagawang pagbebenta ng shabu ng aktor.

Sa buy bust operation, narekober ng mga tauhan ng PNP Bulacan ang limang sachets ng shabu, drug paraphernalias at 500 pesos na buy bust money.

Sa ngayon nasa kustodiya na nang PNP Bulacan ang mga naaresto.

Facebook Comments