ARESTADO | Anak ng action star na si Jess Lapid, kalaboso sa buy-bust sa Pasig City

Pasig City – Arestado sa buy-bust operation sa Pasig City ang apat na katao kabilang ang anak ng action star na si Jess Lapid.

Kinilala ang mga suspek na sina Jose Maria Lapid alyas “Joey”, Frenklin Ramos alyas “Jhun” Zackaria Bansil Alyas “Jack” at Xavier Allan Reymundo.

Sa ulat isang concerned citizen ang nagbigay ng tip sa pulisya tungkol sa kalakaran ng iligal na droga sa Barangay Sta. Lucia.


Nasabat sa operasyon ang tatlong bungkos ng marijuana na tinatayang nasa dalawang kilo at may street value na P60,000.

Bukod pa rito ang dalawang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at isang pakete ng butong pampunla.

Ang mga suspek ay itinuturing na big time drug pusher ng Pasig City Police.

Facebook Comments