ARESTADO | Apat, huli sa iligal na droga sa Makati City

Makati City – Arestado ang tatlong estudyante at isang delivery boy matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City.

Kabilang sa mga nahuli ay 17-anyos na lalaki.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na bentahan ng droga sa Nuestra SeƱora Street.


Agad itong nirespondehan ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 7 at naaktuhan ang apat na katatapos lang ng transaksyon kung saan isa sa mga ito ay 17-anyos na.

Narekober sa kanila ang apat na sachet ng shabu at apat na sachet ng marijuana.

Facebook Comments