Public School Teacher patay sa salpukan ng mga bangka sa Pulangi River

84

Patay ang isang 39 anyos na guro matapos masangkot sa aksidente habang sakay ng Bangka.
Sa report ng Sultan Kudarat MPS, alas 7:30 kahapon ng umaga ng maitala ang di inaasahang aksidente na kung saan nagkasalpukan ang dalawang Bangka sa Pulangi River.
Sinasabing sakay ng bangka ang nasawing guro na kinilalang si Jasmin Ondong Billo residente Cotabato City, minamaneho ang bangka ng 23 anyos na si Tato Ganoy Abdul, residente ng Katidtuan Sultan Kudarat.
Nagmula sa syudad ang bangka na sinasakayan ng guro at bangkerong si tato patungong Katidtuan Elementary School ngunit pagsapit sa blind curve portion ng barangay Maidapa ay nakasalpukan nito ang isa pang bangka na minamaneho ni Sabe Anas.
Agad na nagtamo ng head injury si teacher Jasmin at binawian ng buhay dahil sa lakas ng impact ng pangyayari.
Nasa custody ngayon ng SK MPS ang mga bangkerong si Tato at si Sabe.
Bumuhos naman ang pakikiramay sa sinapit ng pumanaw na guro.

GOOGLE PIC


Facebook Comments

From Advertisers