ARESTADO | Apat na taong nagtago, timbog

Paranaque City – Isang Senior Citizen o lolo na apat na taon ng nagtatago sa batas, arestado sa Paranaque City.

Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang senior citizen na halos apat na taon nang nagtatago sa batas dahil sa kasong kriminal sa Hall of Justice ng Paranaque City.

Nakilala ang naaresto na si Atemio Tamamao, 69-anyos, at nakatira sa Barangay Rizal, Makati City.


Natuklasan na noong July 28, 2014 pa nagtatago si Tamamao dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o anti-trafficking in persons act.

Sa bisa ng warrant of arrest, matagumpay na naisakatuparan ang pagdakip kay Tamamao.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng naturang akusado.

Facebook Comments