ARESTADO | Bugaw, huli sa Laoag City

Laoag City – Arestado ang 24-anyos na suspek sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) at City Social Welfare Development (CSWD) office sa isang hotel sa Laoag City.

Ayon kay NBI Ilocos Norte Chief Diosdado Araos, na-rescue sa operasyon ang tatlong babae kabilang ang dalawang menor de edad mula umano sa pambubugaw.

Todo-tanggi naman ang suspek sa mga paratang sa kaniya at sinabing sinamahan lang daw niya sa hotel ang kaniyang kaibigan na isa sa mga biktima.


Nasa pangangalaga na ngayon ng CSWD office ang mga menor de edad habang nahaharap sa kasong paglabag sa anti-trafficking law ang suspek.

Kung mapapatunayang nagkasala, pinakamabigat na parusa nito ay pagkakabilanggo nang habang buhay dahil menor de edad ang mga biktima.

Facebook Comments