RIDING IN TANDEM | Pastor patay, sa pamamaril sa Pangasinan

Pangasinan – Patay ang isang pastor matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Urdaneta City, Pangasinan.

Sa inisyal na ulat, naglalakad sa kalsada ang biktimang si Bernabe Yanong, 42-anyos kasama ang misis na si Liza Yanong, 48-anyos, nang bigla silang lapitan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo saka sila pinagbabaril.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan pero binawian din ng buhay habang maswerte namang nakaligtas ang misis nito.


Narekober ang pitong basyo ng kalibre .45 na baril sa pinangyarihan ng krime.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Facebook Comments