ARESTADO | Dalawang Iranian national, kalaboso sa iligal na droga sa Quezon City

Manila, Philippines – Balik-kulungan ang dalawang Iranian national matapos na maaresto sa buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ang suspek na sina Amir Gharehgozlou at Omid Hosseini.

Naaresto ang dalawa sa Delos Reyes Street, Barangay Milagrosa kung saan dati nang sumuko sa oplan tokhang si Ghareh­gozlou pero sa nagpatuloy pa rin ito sa pagtutulak ng droga.


Nakumpiska sa kanila ang siyam na plastic sachet ng shabu, cellular phone at nabawi rin ang pera na ginamit sa operasyon.

Facebook Comments