NBA | Cleveland Cavaliers, sisikapin maitabla ang serye kontra Boston Celtics

NBA – Sisikapin ngayon ng Cleveland Cavaliers na maitabla nila ang serye sa 2-2 sa magiging laban nila mamaya sa game 4 ng eastern conference finals.

Plano pa rin ni Coach Tyronn Lue na gamitin ang small line-up na kinabibilangan nina Lebron James, J.R Smith, George Hill, Kyle Korver at Kevin Love na tumatayong sentro dahil mas mabilis daw ang facing ng kanilang offense at defense sa ganitong paraan.

Wala naman planong baguhin ni Boston Celtics Coach Steven Adams ang kanilang line-up dahil naniniwala siya na makakapag-adjust ang kaniyang mga players para makuha nila ang panalo.


Mapapanood naman ang laban ng Celtics at Cavaliers mamayan 8:30 ng umaga sa homecourt ng Cavs.

Facebook Comments