ARESTADO | Dalawang lalaki, kalaboso matapos magnakaw sa isang condominium sa Pasig City

Pasig City – Kalaboso ang dalawang lalaki matapos silang magnakaw sa isang condominium sa 3rd Street Barangay Sta. Lucia, Pasig City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Mike Hernandez at Regor Peralta.

Sa ulat, pinasok ng mga kawatan ang unit ng biktimang si Carl Obrero kaya at agad itong humingi ng tulong kung saan saktong nasa PCP-6 at nag-iikot ang hepe ng pasig pulis na Police Senior Superintendent Orlando Yebra.


Mabilis naman ipinag-utos ni Yebra na palibutan at pasukin ang condo kaya at nasakote ang mga suspek na sinubukan pang magtago sa bakanteng unit.

Nabawi din ang mga nanakaw na damit at relo ng biktima mula sa mga suspek.

Facebook Comments