CHRONIC BIAS | Estados Unidos, kumalas sa UN Human Rights Council

Kumalas na ang Estados Unidos sa United Nations Human Rights Council at inakusahan ito ng pagkakaroon ng ‘Chronic Bias’ laban sa Israel.

Ayon kay U.S. Ambassador to the UN Nikki Haley, ginawa nila ang hakbang dahil ayaw nila maging bahagi ng isang ‘hypocritical’ at ‘self-serving’ organization.

Hindi na ikinagulat ni UN High Commissioner Zeid Ra’ad Al Hussein ang anunsyo ng U.S. pero ikinadismaya niya ito.


Ang hakbang ng U.S. ay kasunod ng desisyon ng UN council na imbestigahan ang mga pagpatay sa Palestinian protesters sa Gaza Strip at inakusahan ang Israel sa paggamit ng sobrang pwersa.

Facebook Comments