ARESTADO | Isang gasoline boy sa Parañaque City, timbog sa pagnanakaw ng cellphone

Parañaque City – Timbog ang isang gasoline boy matapos na magnakaw ng mga cellphone at pera ng mga empleyado ng isang construction site sa Barangay Moonwalk, Parañaque.

Kinilala ang suspek na si Christopher Capistrano alyas Tonyo.

Ayon sa barangay, dumulog sa kanila ang magkapatid na sina Rolando At Rodel Tagalog kasama si Jay-ar Paciones para i-report ang kanilang mga nawawalang gamit.


Sapul naman sa CCTV ang pagpasok at paglabas ng suspek sa construction site dala ang bag kung saan hinihinalang sinilid ang mga ninakaw na gamit.

Nagsagawa ng follow up operation ang mga pulis at naaresto ang suspek sa pinagtatrabauhan nitong gasolinahan.

Aminado si Tonyo sa nagawang krimen at sinabing nagawa niya ito upang may maipambili ng ilegal na droga.

Facebook Comments