ARESTADO | Isang hinihinalang flying voter, inaresto sa Maynila

Manila, Philippines – Dinampot ng Manila Police District ang isang lalaki mula sa Trinidad Tecson Elementary School sa lungsod ng Maynila, mag aalas tres kaninang hapon, dahil di umano ay isang flying voter.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagtungo ang 45 anyos na suspect na si Fernan Tuazon sa brgy 499 zone 44 sa Maynila upang bumuto, at nagpakilala ito bilang Fernando Tuazon.

Ngunit base sa sertipikasyon mula sa brgy chairman ng lugar, hindi nila residente ang suspect sa kanilang brgy.


Nananatili ngayon sa kustodiya ng Manila Police District si Tuazon para sa nagpapatuloy na imbestigasyon, at posibleng maharap sa paglabag sa Omnibus Election Code.

Facebook Comments