ENGKWENTRO | Sundalo at Abu Sayyaf Patay, habang 5 pang sundalo sugatan sa sagupaan sa Patikul, Sulu

Sulu – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group(ASG) at isang sundalo habang sugatan ang lima pa matapos na magkasagupa ang Joint Task Force Sulu at Abu Sayyaf Group sa Sitio Bud Kaha, Brgy Maligay, Patikul Sulu kaninang tanghali.

Sinabi ni AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana alas -11:45 ng tanghali kanina habang patuloy na nagsasagawa ng security, search at rescue operation ang militar para mailigtas ang mga bihag pa ng ASG ay nakasagupa nila ang hindi mabilang na ASG.

Nakuha ang bangkay ng bandido, dalawang matataas na kalibre ng armas at iba pang mga war paraphernalia sa pinangyarihan ng sagupaan.


Ngunit bago ang engkwentro,tatlong bangkay ang nahukay ng militar sa lugar na ngayon ay tinutukoy na ang pagkakakilanlan.

Facebook Comments