ARESTADO | Isang lalaki, kalaboso matapos mahuli gamit ang ninakaw na sasakyan sa QC

Manila, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng 33-anyos na lalaki matapos mahuli habang gamit-gamit ang nakaw na sasakyan sa Quezon City.

Sa ulat, naispatan ng kaibigan ng biktimang si Arianne Dimaano ang kaniyang kotse na ipinaparenta na gamit ng suspek na si Bryan Geanzon.

Agad siyang humingi ng tulong kung saan nakorner ang suspek matapos ang ilang minutong habulan sa Timog at Tomas Morato Avenue.


Nabatid na sampung araw ng nawawala ang sasakyan ng biktima na inupahan daw sa kaniya nina na sina Renato Cervantes at David Gabriel sa halagang P2,500 kada araw.
Depensa naman ng suspek na sinanla lamang sa kaniya ang sasakyan sa murang halaga nina Cervantes at Gabriel kahit na wala itong kaukulang dokumento.

Facebook Comments