21st anniversary ng pagkakalaya ng Hong Kong sa pagiging British colony, sinabayan ng kilos protesta

Hong Kong – Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang residente ng Hong Kong kasabay ng ika-21 anibersaryo ng pagkakalaya nito mula sa British colony.

Bitbit ang mga payong na kulay dilaw, ipinapakita ng mga demonstrador ang simbolo ng democratic activism ng lungsod.

Nagpakalat naman ng police force sa lugar para tiyakin ang maayos at mapayapang protesta.


Matatandaang ang Hong Kong ay British colony at ibinalik ito sa China noong 1997.

Facebook Comments