ARESTADO | Kapitan ng Barangay Maragooc, Gloria, Oriental Mindoro dinakip matapos makuhaan ng iligal na droga at mga baril

Oriental Mindoro – Inaresto ng mga tauhan ng Gloria Municipal Police Station at PDEA MIMAROPA ang punong barangay ng Barangay Maragooc, Gloria, Oriental Mindoro makaraang makuhaan ng iligal na droga at mga baril kaninang unaga.

Kinilala ang naarestong barangay captain na si Domingo Mortel, barangay captain ng Barangay Maragooc, na kabilang sa PDEA-high value target.

Ayon kay Superintendent Imelda Tolentino, alas-6:00 ng umaga kanina nang maaresto ang punong barangay matapos na ipatupad ng mga awtoridad ang search warrant laban sa suspek.


Narekober sa suspek ang dalawang hear sealed plastic sachets na may lamang shabu at isang kalibre 45 armscor, 1-magazine; at 7 live ammunition.

Nasa kustodiya na ito ng PDEA Region 4B ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.

Facebook Comments