Isabela Vice Governor Albano, Nangangamba na Maisali sa Narco List ang mga Bagong Halal na Opisyal ng Bansa!

Cauayan City, Isabela – Nakipagpulong si Isabela Vice Governor Tonypet Albano kina DILG Secretary Eduardo AƱio at Special Assistance to the President Secretary Christopher Bong Go, maging sa ilang matataas na opisyal ng PNP dahil sa sunud-sunod na pagpatay sa ilang pinuno ng bansa.

Ipinursige umano ng bise gobernador ang naganap na pulong bilang Vice Chairman ng Union of Local Authorities of the Philippines o ULAP dahil nangangamba umano siya sa seguridad ng mga nahalal na opisyal na maisali ang kanilang mga pangalan sa narco list na wala namang sapat na ebidensya.

Nakakahiya rin umano kay Pangulong Duterte na makasama sa listahan ang isang pulitiko na wala namang kinalaman sa droga.


Aniya kasapi ang ULAP sa administrasyon ng pangulo bilang isang organisasyon para tumulong sa pagtugis at upang malaman kung kailangang isama ang isang pulitiko sa narco list.

Kaugnay dito ay humiling ng karagdagang seguridad para sa mga high profile na pulitiko sa bansa upang maiwasan ang basta na lamang pagpaslang na wala naman umanong kinalaman sa droga.

Facebook Comments