ARESTADO | Karnaper, timbog sa Pasig City

36

Timbog ang isang lalaking karnaper na madalas na kumikilos sa Pasig City at Taytay, Rizal.

Kinilala ang suspek na si Johnbert Enrique, 19-anyos.

Kwento ng biktimang si Norlan Galicia, bigla nalang nawala ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa harap ng bahay sa Ipil-Ipil Street, Nagpayong 2, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Mabuti na lang at nakatanggap sila ng tip na dinala ang nawawalang motorsiklo sa Sitio Arienda, Taytay, Rizal.

Matapos makumpirma ang tip, agad na nagpasama sa pulisya ang biktima kung saan pagdating nila sa lugar ay nasakote nila ang suspek at nabawi ang kinarnap na motorsiklo.

Facebook Comments