NBA | Jeremy Lin, pinamigay na ng Brooklyn Nets sa Atlanta Hawks

90

Brooklyn – Pinamigay na ng Brooklyn Nets si Jeremy Lin sa Atlanta Hawks matapos ang dalawang taon na on and off na paglalaro nito sa kanilang koponan.

Bilang kapalit ni Lin, nakuha ng nets ang future second round picks ng Atlanta kung saan.

Nabatid na nagdesisyon ang Brooklyn na pakawalan na si Lin matapos ang sunod-sunod na injury na natamo nito sa nakalipas na dalawang season ng NBA.

Sinasabing isang beses lang nakapaglaro si Lin sa Nets noong nakaraang taon habang 36 games naman ang nilaro nito noong 2016-17 season.

Facebook Comments