ARESTADO | Lalaki, huli matapos umihi sa ipinagbabawal na lugar sa Makati

Makati City – Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lalaki matapos itong umihi sa ipinagbabawal na lugar sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Ariel Erillo, 25-anyos, residente ng F.B Harrison, Pasay City.

Nagpapatrolya noon si PO2 Vladimir Basig sa Mercedes Street Barangay Poblacion nang makitang umiihi sa tabing kalsada ang suspek kaya agad niya itong sinita.


Pero sa halip na humingi ng paumanhin, pinagmumura at pinagsisigawan ng suspek ang pulis dahilan para arestuhin si Erillo na tinangka pang tumakas.

Nang kapkapan nakuha naman rito ang isang patalim na may habang walong pulgada.

Facebook Comments