BINAGO | Bagong sistema ng pagpila sa MRT-North station, ipinatupad na

Binago ng pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit 3 ang pila ng mga pasahero sa North Avenue Station.

Ang mga regular na pasahero ay pipila na sa bandang Raberly UK Center mula sa nakagawian na tapat ng isang hotel.

Ang mga priority passengers naman gaya ng buntis, senior citizens, persons with disability at pasaherong may mga kasamang bata ay pipila sa tapat ng hotel.


Nagpakalat naman ng tauhan ang MRT 3 at Metro Manila Development Authority (MMDA) para umalalay sa mga pasahero.

Ang mga bus naman na galing Caloocan City at magbababa ng pasahero ay pahihintuin sa Forland hanggang sa Raberly U.K. Center.

Ang mga pasahero na sasakay naman sa mga point to point buses ay mananatili naman ang pila malapit sa pasukan ng North Avenue Station.

Facebook Comments