ARESTADO | Lalaking nagwawala, nahulihan ng iligal na droga sa Pasig City

Pasig – Kalaboso ang kinahantungan ng isang lalaking nagwawala matapos na mahulihan ng shabu sa Brgy. Maybunga Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Eduardo Jabson Jr. na naaresto sa West Bank Road, Barangay Maybunga, Pasig City.

Ayon kay PO1 Diosdado Molina ng PCP 4 nagsasagawa sila ng Station Anti Criminality Law Enforcement Operation sa Barangay Maybunga kung saan napansin nila ang suspek na nakahubad pang itaas at nagwawala sa naturang lugar agad na nilapitan ng mga pulis si Jabson pero sa halip na sumako ay lalong nagwawala ang naturang suspek.


Nang maaresto si Jabson nakuha sa kanyang katawan ang isang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng mga otoridad laban sa suspek.

Facebook Comments