MAAYOS NA KALAGAYAN | Isang laborer na pinagbabaril sa Maynila, ligtas na sa panganib

Manila, Philippines – Ligtas na sa panganib sa Tondo Medical Center ang isang obrero matapos na pagbabarilin sa Nepumuceno Street Barangay 94, Zone 8, Tondo, Manila.

Nakilala ang biktima na si Albaro Clemente 46-anyos #420 Nepumuceno Street Barangay 94, Tondo, Manila habang ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang si Jing Celeste.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo, nagkaroon aniya ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek kung saan agad na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang biktima bago mabilis na tumakas.


Inaalam na ng mga otoriadad kung ano ang pinagtatalunan ng dalawa habang nagsasagawa ng follow up operation at tinitingnan din kung mayroong CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan ng krimen.

Facebook Comments