ARESTADO | Mag live-in partner at apat na iba pa, huli sa drug operation ng Caloocan PNP

Caloocan – Arestado ang magka live-in partner sa ikinasang drug operation ng Caloocan PNP sa Samson Road Brgy. 73.

Una nang kumagat sa test buy ang mga suspek at muling nagbenta ng droga sa operatiba dahilan para arestuhin sina Jomarie Lascano 25 at Kristine Macala 22 gulang kapwa residente sa nabanggit.

Ayon kay PSSupt. Jemar Modequillo tinatadtad sila ng text ng mga residente sa pamamagitan ng info text ng PNP kaugnay sa pag bebenta ng shabu ng magka-live-in partner.


Sa entrapment operation video makikita na napakasikip ng mga eskinita bago makarating sa bahay ng target sa operasyon.

Wala nang nagawa ang mga suspek kundi dumapa matapos pasukin ng mga pulis na armado ng baril.

Bukod sa magka live-in partner dinampot din ang 4 na iba pa kabilang ang dalawang 17 anyos dahil inabutan sila sa loob ng bahay na posibleng nagsisilbing drug den.

7 pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money ang nakumpiska sa mga suspek na gagamiting matibay na ebidensya laban sa kanila.

Samantala sinabi ni Col. Modequillo na bagaman wala silang body camera , cellphone ang gagamitin nilang pang video sa operasyon upang hindi.na mag duda ang publiko sa kanilang anti iligal drugs operation.

Facebook Comments