Manila, Philippines – Arestado ang isang menor de edad na tulak ng ilegal na droga sa San Agustin Street. Maynila.
Aminado ang suspek na itinago sa pangalang Kevin, 17-anyos na 2017 pa siya nag-tutulak ng droga.
Ayon kay Manila Police Director Police Chief Superintendent Ronaldo Anduya, isang asset ang nakipagtransaksyon kay Kevin sa pamamagitan ng text messages para sa isang libong pisong halaga ng shabu.
Giit ni Kevin, isang tao lang ang pinagkukunan niya ng supply na ipinapasa niya sa mga buyer sa iba’t-ibang bahagi ng Maynila.
Maliban sa ilang sachet nakuha rin sa suspek ang sampung bulto ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng 300,000 piso.
Facebook Comments