Manila, Philippines – Arestado ang isang padre de pamilya makaraan itong ireklamo ng sarili niyang asawa ng pang-aabuso.
Kinilala ang suspect na si Bryne Silva, 41 anyos, at residente ng Taal St. Punta, Sta Ana, Maynila.
Ayon sa umarestong Barangay Kagawad na si Ricardo Felix, dumulog sa kaniya ang asawa ng suspect dahil sa di umano’y pananapak nito sa kaliwang mukha ng biktima.
Agad na dinala sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) si Silva na ngayong ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9262 o physical abuse.
Facebook Comments