ARESTADO | Parking boy, huli sa buy-bust operation sa QC

Quezon City – Kalaboso ang isang parking boy sa ikinasang buy-bust operation sa kanto ng Scout Bayoran at Sergeant Esguerra Street Barangay South Triangle Quezon City.

Ayon kay Police Chief Insp. Melchor Rosales, Deputy Station Commander ng QCPD Station 10, nabilhan ang suspek na si Joel Fernandez, 48 gulang ng tatlong daang pisong halaga ng hinihinalang shabu ng pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober sa suspek ang tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu at buy-bust money.


Inamin naman ang suspek na gumagamit siya ng shabu dahil nakakatulong ito sa kaniyang trabaho bilang parking boy.

Facebook Comments