Wednesday, July 15, 2026

PBBM, hindi exempted sa Anti-Epal Policy ng 2026 GAA —Malacañang

Walang sinumang opisyal, kahit pa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ligtas sa probisyon ng 2026 General Appropriations Act (GAA) na nagbabawal sa paglalagay ng mukha ng pulitiko sa pamamahagi ng tulong ng gobyerno.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, agad pinatanggal ni PBBM sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kaniyang tarpaulin sa isang payout center para sa ayuda ng mga tsuper.

Mahigpit ding pinaalalahanan ang mga lokal na opisyal na huwag gawing entablado ng pamumulitika ang distribusyon ng ayuda.

Ang tulong ng gobyerno ay para sa publiko, hindi para sa pagpapabango ng pangalan.

Sa kabila nito, sinabi ng Malacañang na mahalaga pa ring maipaalam sa taumbayan ang mga programa ng administrasyon bilang patunay na may ginagawa ang gobyerno sa gitna ng krisis.

Facebook Comments