Quezon City – Arestado ang isang PDEA agent makaraang maaktuhang nagbebenta ng iligal na gamot sa lungsod ng Quezon.
Ayon kay NCRPO Police Director Guillero Eleazar, nakatanggap ng impormasyon ang Quezon City Police District (QCPD) na mayroong nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa Banawe at Del Monte sa Quezon City.
Agad na rumisponde ang mga otoridad sa lugar at dito na nahuli sa akto ang 42-anyos na PDEA agent na kinilala bilang si Mario Luisito David Israel.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PDEA, na-assign sa PDEA Region 4 ang nasabing suspek.
Matagal nang hindi nag-u-ulat sa trabaho si Israel, kung saan napadalhan na ito ng dalawang return to work order.
Nakuha mula sa suspek ang limang pakete ng hinihinalang shabu, isang baril at sampung piraso ng bala.
Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.