ARESTADO | Tinaguriang “Renta-ngay Queen” na nasa likod ng rent-sangla scam, balik kulungan na

Manila, Philippines – Balik-kulungan ang tinaguriang ‘Rentangay Queen’ na nasa likod ng rent-sangla scam na nag-o-operate sa Metro Manila, Southern Luzon at Central Luzon.

Alas 5:00 kahapon ng hapon nang madakip sa parking area ng isang mall sa san pedro, laguna ang suspek na si Rafaela Anunciacion.

Inaresto siya ng mga tauhan ng PNP-HPG special operation division dahil sa kasong estafa.


Taong 2017 nang una nang makulong ang suspek dahil sa modus pero nakalaya matapos na makapag-piyansa.

Nasa kustodiya na ng PNP-HPG si anunciacion.

Facebook Comments