ARESTADO | Tricycle driver, nahulihan ng hinihinalang shabu sa Taguig

Manila, Philippines – Arestado ang isang 25-anyos na tricycle driver matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Barangay Ususan, Taguig City.

Nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga Taguig police sa lugar kung saan sinita ang suspek matapos makitang may bitbit ng ilang sachet ng shabu.

May timbang ang ilegal na droga na nasa 200 gramo.


Tinatayang nagkakahalaga ito ng nasa 1.6 million pesos.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act.

Facebook Comments