ARESTADO | Walo na tao na nagsusugal dinampot ng pulisya, shabu nakuha sa kanilang pag-iingat

Manila, Philippines – Arestado ang 5 babae at tatlong lalake na nagsusugal
nang mahulihan ng bawal na droga sa isang eskinita malapit sa Quinta Market
sa Quiapo Maynila kagabi, Marso 19.

Ayon kay Barbosa PCP Commander Chief Inspector Marlon Mallorca, tatlo sa
inaresto ay dati nang nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa illegal
drugs kabilang na ang mag-live in partner na sina Jaspher Mateo at Ronalyn
Angeles at maging si Rose Ann Angeles habang ang iba pa ay nasa drugs
watchlist naman ng barangay.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang pulis mula sa concerned citizen na may
nagaganap na bentahan ng illegal na droga habang nagka-cara-cruz at
nagbabaraha ang mga walong suspek.


Sa kabuuan, narekober ang labing-apat na sachet ng hinihinalang shabu na
may street value na pitong libong piso.

Aminado sina Mateo at Angeles na sa kanila nakuha ang ilang sachet ngunit
kanilang itinanggi ang alegasyon na nagtutulak sila ng shabu. Depensa naman
ni Roxas, napadaan lang siya sa lugar at matagal na siyang huminto sa
paggamit ng shabu.

Ang mga suspek ay isasalang sa Inquest Proceeding sa kaso ng Illegal
Gambling at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments