SAWI | Butanding, natagpuang patay sa baybayin ng Roxas City

Roxas City – Ilang butanding ang natagpuang patay sa baybayin ng Roxas
City, Capiz kaninang umaga.

Ito ang kinumpirma ni Punong Barangay Dhonyll Alisasis ng Barangay Libas na
patay na ang naturang butanding nang matagpuan ng mga residente sa
dalampasigan ng nasabing lugar.

Ayon sa kaniya, nakita ng ilang residente na hinihila ng tatlong sasakyang
pandagat ang butanding papunta sa dalampasigan kaninang madaling araw kung
saan putol na ang isang palikpik nito.


Tinatayang na nasa 25 talampakan ang haba nito at may bigat na tatlong
tonelada.

Inaalam pa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang sanhi ng
pagkamatay ng nasabing butanding o whale shark.
<#m_-5639972008009768267_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments