ARESTADONG HEAD TEACHER, MATAGAL NANG PUSHER – CAUAYAN CITY PS CHIEF

*Cauayan City, Isabela*- Iginiit ng Cauayan City Police Station na matagal nang tulak ng iligal na droga ang nahuling Head Teacher ng Disimuray Elementary School.

Sa isinagawang press conference sa pangunguna ni P/Lt. Col. Gerald Gamboa, hepe ng PNP Cauayan, sinabi ng hepe na mahigit isang taon na itong nagtutulak ng iligal na droga si Mark Dominic Antonio batay sa kanilang pagsisiyasat. Ayon pa kay Lt.Col. Gamboa, may sinusundan na silang personalidad kung saan nagmumula ang iligal na droga na binebenta ng nahuling guro. Hindi agad nahuli si Antonio dahil nagpapalit palit ito ng pagkakakilanlan.

Kasabay sa pagkaka aresto kay Antonio, muling nagbabala naman si Lt.Col. Gamboa sa mga taong nagbabalak gumamit at mga nagbebenta ng iligal na droga na may kalalagyan ang mga ito.


Attachments area

Facebook Comments