Ari ng 2-anyos na bata, hiniwa ng lalaking wala sa tamang pag-iisip

KALIBO, AKLAN – Halos maputol ang ari ng isang dalawang-taong gulang na bata matapos hiwain ng kapitbahay nilang may problema umano sa pag-iisip.

Ayon sa pulisya, pinasok ng salarin ang kuwarto ng paslit, Huwebes ng gabi, at doon isinagawa ang karumal-dumal na paghiwa.

Naabutan pa ng kapatid ng musmos na umiiyak ito at hawak-hawak ang maselang bahagi ng katawan.


Kaagad isinugod sa St. Jude Hospital ang biktima at sumailalim sa operasyon para maibalik ang naputol na parte.

Labis ang dalamhati at pagkagulat ng pamilya ng bata dahil madalas pa nilang binibigyan ng pagkain ang hindi pinangalanan suspek.

Nasa kostudiya ngayon ng Kalibo Police ang salarin at sisiyastin maigi kung maysakit siya sa pag-iisip nang isagawa ang krimen.

Facebook Comments