PANOORIN: Python, sinakmal ang usang umiinom sa isang lawa

(Photo: Screenshot of the video from Crafoo TV YouTube)

Nakuhanan sa camera footage ang isang python nang sakmalin nito ang umiinom lamang na usa sa isang lawa sa Maharashtra, India.

Mapapanood sa video ang grupo ng mga usa na tumigil sa isang tubigan para uminom.

Makailang saglit ay uminom sa ikalawang pagkakataon ang isa sa mga usa nang biglang sumulpot ang malaking python mula sa ilalim ng tubig.


Agad nagtakbuhan ang iba pa samantalang pinuluputan naman ng naturang ahas ang kaawa-awang hayop.

Ilang minuto ring binalot ng ahas ang kanyang sarili sa usa hanggang mamatay ito.

Ang naturang video ay inilabas ng Central Chanda Forest Department noong ika-21 ng Nobyembre.

Samantala, nakaraang buwan lamang ay isa namang 15-ft na python na may bigat na 70kg ang na-rescue sa isang palayan sa Hapur, India.

RELATED STORIES:

TINGNAN: Pinakamalaking Burmese Python sa buong mundo, nakatira sa bahay ng amo

8-ft python, natagpuang nakapulupot sa leeg ng isang babae

Bag na ninakaw sa garahe, 3 pythons ang laman; mga kawatan, hinihinalang walang alam

Facebook Comments