Ariadna Gutierrez, gustong muling makita si Pia Wurtzbach

55

Looking forward ngayon si Miss Universe 2015 first runner up Ariadna Gutierrez na makita si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa personal.

Matatandaang naging kontrobersyal si Ariadna matapos itong tawagin ni Steve Harvey na Miss Universe 2015 sa halip sa na si Pia.


Ayon kay Ariadna, pagkatapos ng pageant ay hindi na sila muling nagkita ni Pia dahil pareho na silang naging busy sa kanilang career.

Inamin din niyang nahirapan siya noong una pero kalauna’y natanggap at naka-move on na rin.

Itinanggi rin nito na may galit siya kay Pia at Steve at sinabing pareho lamang silang biktima ng pangyayari.

Facebook Comments