Aristocrat Restaurant muling ininspeksyon ng Manila Health Dept

Manila, Philippines – Nilinaw ni Romeo Halcon Chief Division of Sanitation ng Manila City Health Department na hiwalay ang kanilang gagawing imbestigasyon sa ipinataw ng LLDA sa Aristocrat na paglabag kung saan nakakonekta umano ang kanilang sewerage treatment plant sa Manila Bay.

Ayon kay Halcon, pumunta na umano sila kahapon sa Aristocrat para mag-inspection pero hindi sila pinapasok ng guardia ng nasabing Restaurant kaya at muli silang bumalik ngayon para inspeksyunin ang kanilang sewerage treatment plan.

Paliwanag ni Halcon, bukod sa naturang restaurant iikutin din nila ang 24 na mga estero sa buong Manila na napaligiran ng mga establisemento upang inspeksyunin kung tumutupad ba sila sa isinasaad sa batas.


Giit ng opisyal wala silang sasantuhin kung mapapatunayan na lumabag nga sila sa RA 4850 na mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan.

Facebook Comments