Arjo Atayde, nagpaabot ng “sweet message” kay Maine

384

Love is in the air pa rin kahit tapos na ang buwan ng pag-ibig para sa aktor na si Arjo Atayde at Phenomenon Star na si Maine Mendoza.

Sa 24th birthday kahapon ni Maine, isang sweet message ang ipinost ni Arjo sa kanyang Instagram para sa dalaga.

Kasabay ng pag-greet ng “happy birthday my Main”, sinabi ni Arjo na ang dalaga ang dahilan ng lahat-lahat para sa kanya.

Isang picture din ang pinost ng actor na magkayakap ang dalawa.

Una nang inamin kamakailan ni Maine sa kanyang blog na exclusively dating na sila ni Arjo.

Facebook Comments