TNT KaTropa, tinuldukan ang 5 sunod na panalo ng Rain or Shine

45

Tinuldukan ng TNT KaTropa ang record na limang sunod-sunod na pagkapanalo ng Rain or Shine Elasto Painters sa 2019 PBA Philippine Cup.

Wagi ang KaTropa sa laban sa iskor na 100 – 92 sa Ynares Center, kahapon.

Nakapagtala si TNT Jayson Castro ng 20 puntos, 10 assists at pitong rebounds samantala si James Yap ng Elasto Painters ay 18 puntos.

Matinding opensa ang ginawa nina Jayson Castro, Troy Rosario at Jericho Cruz ng KaTropa.

Umangat naman sa 4 – 3 ang team standing ng KaTropa habang bumagsak naman ang Elasto Painters sa ikalawang pwesto sa iskor na 7 – 2.

Facebook Comments