Arjo Atayde, spotted sa birthday party ni Maine Mendoza

Spotted sa special-post birthday bash na inorganisa ng mga fans ni Maine Mendoza ang rumored boyfriend niya na si Arjo Atayde noong Sabado ng gabi sa Quezon City.

Sa video na ibinahagi sa social media, mapapanood na kumakanta ang aktor na tila hinaharana sa stage si Maine.

Kilig na kilig naman ang mga fans ni Maine habang inaawit ni Arjo ang kantang “I Love You So Bad”.


Bago matapos ang birthday bash, nagpasalamat ang aktres/ host sa kanyang mga fans na ang iba ay dumayo pa mula sa Cebu at Amerika.

Nito lang nakaraang taon nang napaulat na exclusively dating ang dalawa.

Facebook Comments