Marawi City, Philippines – Sa kabila ng nangyaring friendly fire na ikinasawi ng sampung sundalo noong Miyerkules, desidido ang Armed Force of the Philippines na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng airstrikes sa Marawi City.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla – hindi ito dahilan para suspindehin ang airstrikes, bagkus ay ipagpapatuloy pa nila ito.
Inialis na rin muna nila sa battle zone ang mga tauhang nasangkot sa insidente habang iniimbestigahan ang insidente.
Aminado naman si Padilla na hindi pa nila kayang wakasan ang bakbakan sa marawi kasunod ng ibinigay na deadline ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Aniya – nasa ground commanders pa rin ang huling desisyon kung maari na bang itigil ang operasyon.
Sa ngayon – wala pang katiyakan ang opisyal kung kailan matatapos ang krisis dahil hindi pa nila tuluyang naki-clear ang buong Marawi.
DZXL558